PASTOR NA NANG ABUSO UMANO NG MENORE DE EDAD, ARESTADO

 


Arestado ang isang lalaking na molestiya at nanghalay umano ng isang menor de edad sa Brgy. Dagatdagatan, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Michael Moreno o mas kilala sa lugar bilang Pastor Mike.

Sinasabing nang-abuso umano ng dalagita ang suspek na myembro ng kanilang simbahan.

Base sa sanaysay ng biktima sa pulis, tuwing sinasama aniya siya ng guro sa praise and worship at nagkataong naiiwan ito mag-isa ay doon na nangyari ang pang aabuso ng akusado.

Nung una ay panghihipo lang ngunit nasundan umano ito na nagigising na lamang siya na nakahubad na.

Dagdag pa ng mga pulis, ilang beses rin umano nangyari ang panghahalay.

Napag-alamang, bago simulan ng pastor ang panghahalay ay may nilalagay umano ito sa pagkain ng biktima kaya wala umanong malay ang dalagita sa tuwing ginagawa ang nasabing krimen.

Samantala, hindi naman itinanggi ng suspek na may nangyari sa kanila sapagkat may relasyon naman umano sila ng biktima.|VILROSE CUAL

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog