LALAKING NAGTANGKANG MAGPASOK NG SAMU’T SARING MGA BARIL SA CAMP CRAME, ARESTADO

 


Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang isang lalaki matapos mahulihan ng samu’t saring mga baril papasok sa camp crame. 

Ayon sa impormasyon ng kapulisan, tumambad umano ang kahon-kahong mga baril at loaded magazine ng calibre .45, pistol at shotgun. 

Nakatakdang papasok umano ng Gate 2 ng kampo ang itim na sasakyan na may plakang POO 387 nang harangin ito ng mga kapulisan dahil sa nakitang mga baril sa loob ng sasakyan.

Matandaang, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril sa dahil sa umiiral na gunban sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre. |VILROSE CUAL

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog