May nakahandang hakbang ang Department of Information and Communications Technology
(DICT) laban sa mga hackers at scammers sa pagpapakalat
ng digital national ID.
Sa isang pahayag, sinabi ni DICT Secretary John Ivan Uy na may mga hinahanda silang hakbang para mapunan ang nasabing mga problema.
Sinigurado naman ng DICT na lahat aniya ng paraan para
mapaigting ang cyber security ay isasagawa upang ma protektahan ang mga data.
Matatandaang bumaba ang bilang ng kumukuha ng digital ID dulot ng pangambang nakapapasok ng hackers at scammers ang kanilang database. | VILROSE CUAL
0 Comments