Hinikayat ni Chief
Justice Alexander G. Gesmundo ang mga mambabatas at gumagawa ng patakaran ng bansa
na tiyaking ang teknolohiya tulad ng artificial intelligence (AI) na “magiging
kapaki-pakinabang sa ating mga tao at igagalang, poprotektahan, at itataguyod
ang kanilang mga karapatan.”
Sa isang pahayag sa Manila Social Good Summit 2023 noong Sept. 16 sa Taguig City. Sinabi ni Gesmundo na ang teknolohiya ay dapat gamitin para sa kapakinabangan ng mga tao upang matugunan ang mga matagal nang problema tulad ng hindi pagkakapantay-pantay at kawalan ng katarungan.
Ipinunto din niya na kahit na may papel ang kasangkapan ito—at ginagamit ito ng marami sa pang araw-araw— pinaalalahanan niya ang publiko na kailangan paring maging maingat at maging responsible sa magiging epekto nito. | VILROSE CUAL
0 Comments