BLOOD MONEY HINDI APPLICABLE SA PAMILYA NI RANARA

 


Ayon sa DFA walang matatanggap na “blood money” ang pamilya ng OFW na pinatay na si Jullebee Ranara.

Sa pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA)  Undersecretary Eduardo de Vega, na ang “blood money” ay hindi applicable sa kaso ni Ranara dahil mababa lang ang naging hatol sa 17-anyos na suspek. 

Base sa impormasyon ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait, sinintensyahan ng Kuwait Juvenile Court ang suspek ng 15 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay kay Ranara bukod sa 15 taon hinatulan din ito ng karagdagang isang taong pagkakabilanggo dahil sa pagmamaneho ng walang lisensya.

Nakausap ng DFA ang pamilya ni Ranara tungkol sa naging hatol sa suspek, subalit nakukulangan pa rin sila sa 15 taon na ipinataw kay Turki Ayed Al-Azmi.

Simula pa lamang hindi talaga maaaring hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang suspek na dahil sa pagiging menor-de-edad nito.

Giit ni Vega dapat makatanggap manlang ng moral damages o restitutionary damages o kahit anong bigay nilang damages ay nakakulong pa rin sila.

Aniya ang sentimyento kasi ng pamilya ay buhay ang nawala at hindi na maibabalik ang buhay ni Jullebee kaya inaasahan ng mga ito na sana ay habambuhay na pagkakabilanggo ang naging hatol.

Samantala pinuri naman ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait, Department of Migrant Workers at Kuwait Authorities sa kanilang pakikipaglaban upang makamit ang hustiya ng ating kababayan. | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog