PAGTULAK NI KATHRYN KAY DOLLY, SERYOSO NGA BA?

 


Naging usap-usapan ngayon sa social media ang episode video na inilabas ng Rec•Create noong September 22.

Makikita kasi sa naturang video ang biglang pagtulak ng aktres na si Kathryn Bernardo sa co-aktor na si Miss Dolly De Leon.

May isang tanong para kay De Leon na hindi makapaniwala si Kathryn sa kaniyang sagot kaya niya ito biglang natulak na kung saan nagresulta ng pagkalaglag ni Dolly De Leon sa kaniyang inuupuan.

Ang tanong ng netizens seryoso nga ba ang senaryong iyon.

Kung mapapanuod ang buong video ay tila nakikipag-bardagulan lamang ang dalawa.

Samantala, inamin naman ni Miss Dolly mismo sa video na sinadya niya lang umano ang pagkahulog at nagbibiro lamang ito.

Ang episode na inilabas ay parte ng pagcocolab ng dalawa sa nasabing mainstream media para sa kanilang paparating na pelikulang "A Very Good Girl" na mapapanood na sa mga sinehan ngayong September 27. |VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog