Umani ng samu’t saring mga
reaksyon sa netizans ang ibinahaging karanasan ng isang kolehiyala ukol sa
pamamahiya sa kanya ng isang konduktor sa Bacolod City, Negros Occidental.
Sa kaniyang post, labis ang trauma
na naramdaman ng isang 19-anyos na psychology student ng naturang lugar matapos
nitong sumakay sa isang modern jeepney at singilin ng dobleng pamasahe ng isang
konduktor dahil sa dalawang upuan umano ang sakop nito.
Sa isang ulat, sinabi ng
estudyante na hindi naman aniya ikinakahiya ang kaniyang katawan na itinuturing
na “plus size”.
Ngunit, labis itong
naapektuhan sa pamamahiyang ginawa ng konduktor sa harap ng iba pang mga
pasahero.
Dagdag pa na kwento ng 19-anyos na estudyante, sa halip
na P11 ang ibabayad nitong pamasahe ay sinisingil ito ng konduktor ng P22 kung
kaya’t nagdesisyon nalang itong bumaba.
Bagama’t nagawa pa itong ipagtanggol ng ibang pasahero,
nagdesisyon na lamang itong bumaba.
Sa kabila nito, naglabas ng pahayag ang RSJ Lines, Inc.
hinggil sa nangyari at humingi ng paumanhin sa ipinakitang asal ng konduktor na
umano’y sinuspinde na.
Nag-public apology na din ang konduktor na namahiya sa
isang kolehiyala at iginiit pa nito’y isang biro lamang umano niya iyon ngunit
sa huli ay napagtanto nito ang kamaliang nagawa.
Samantala, gagpaalala naman ang lokal na pamahalaan sa
mga operator na igalang ang kanilang mga pasahero. |SAM ZAULDA
0 Comments