PAGLUTANG NG OARFISH, MAY NAKAAMBA NGA BANG DELUBYO?



Pinangangambahan ng mga residente ng Jasaan, Misamis Oriental ang biglang paglutang ng nasa 12-talampakang oarfish sa kanilang lugar.

Unang natagpuan ng mga residente ang nasabing oarfish sa dalampasigan ng Brgy. Luz Banson, na sumisinghap pa bago tuluyang namatay.

Batay sa isang alamat, lumulutang ang mga oarfish mula sa kailaliman ng dagat kapag may bantang panganib sa mga tao.

Pinaniniwalaan ding senyales umano ito na may mangyayaring matinding lindol o tsunami.

Dahil dito, nag-aalala ang mga residente sa naturang lugar sa umano’y paparating na kalamidad sa paglitaw ng oarfish sa lugar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog