Napatunayang nagkasala ang 23-anyos na kolehiyala matapos
nitong tadtarin ng saksak ang 50-anyos na ina noong 2020.
Batay sa isang ulat, natakot umano ang nasabing
kolehiyala na matuklasan ng kaniyang ina na na-expelled ito sa unibersidad na
pinapasukan dahilan na hinampas niya ng bakal sa ulo ang ina bago ito sinaksak
ng 30-beses sa leeg.
Nabatid na 19-anyos pa lang noon ang suspek nang ginawa nito
ang kalunos-lunos na krimen sa mismong nanay nito.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi rin
nagtagal ay binawian din ito ng buhay.
Ayon sa tatlong defense experts na sumusuri sa dalaga,
isiniwalat nilang na-diagnosed umano ng schizophrenia ang kolehiyala at hindi nito
lubos na naintindihan ang ginawang krimen dulot ng mental disorder.
Subalit, sumalungat naman rito ang clinical psychologist
na si Dr. Silvia o’Bradovich nang iginiit nitong noon pang 11-anyos nagsimulang
makaranas ng sintomas ang kolehiyala, kung kaya’t napakabihirang atakihin umano
ito ng sakit dahil sa karaniwang lumalabas ito sa kalagitnaan hanggang huling
bahagi ng twenties para sa mga kababaihan.
Sa ngayon ay nahaharap sa mga kasong pagpatay, felonious
assault at ang pangingialam sa ebidensya. |SAM ZAULDA
0 Comments