GUNMEN, PWERSAHANG PINAALIS ANG DAAN- DAANG TEDURAYS PALABAS SA TRIBAL LANDS



Inabanduna sa kanilang ancestral lands ang mahigit 300 ethnic Tedurays  sa Maguindanao del Norte matapos pagbabarilin  ng mga armadong lalaki ang mga kabahayan at pwersahan silang pinaalis.

Ayon kay Brig. Allan Cruz Nobleza, director ng Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region, at Army Major Gen. Alex Santos Rillera, Commander ng 6th Infantry Division, nagpadala na ito ng kanyang grupo upang mag-imbestiga sa naturang insidente.

Pahayag naman ng mga Teduray evacuees, may mga dalang armas na M14 at M16 na baril ang mga lalaking sumalakay sa kanilang lugar sa sitio Tuburan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norteb bago ang madaling araw ng linggo.

Sinabihan pa umano sila ng mga suspek na umalis at tsaka pinaputukan.

Dagdag pa rito, pwersahan rin umano silang pinaalis lalo na't wala silang laban sa mga dala nitong mga armas.

Samantala, kilala na ng punong barangay ng Labungan ang mga taong nasa likod ng pag-atake sa tulong nga mga pulis sa lugar at ng Army Intelligence agents. |SANDRO SALAZAR

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog