P36.2-M LOTTO JACKPOT SOLONG NAIUWI NG MAPALAD NA MANANAYA


 

Solong naiuwi ng isang mapalad na mananaya ang P36.2 million Lotto 6/42 jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong, Setyembre 7. 

Ito ay matapos na maiuwi ang winning combinations na  03-31-15-19-10-27 na nagkakahalaga ng P36,257,127.40 jackpot. 

Bukod sa grand prize winner, 109 Lotto 6/42 bettors ay nakakuha ng P24,000, at 3,745 na mga manlalaro ay nanalo ng tig-P800 para sa ikatlong premyo.

Samantala, wala namang nakahula sa 06-15-20-38-43-07 Super Lotto 6/49 winning digit combination na nagkakahalaga ng P38,205,605 jackpot prize. |TERESA IGUID

 


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog