WEATHER UPDATE | SEPTEMBER 8, 2023

Iiral ang Southwest Monsoon na makakaapekto sa western sections ng Northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA ang buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang mga pag-ulan dulot ng Habagat / Localized Thunderstorms.

Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog hanggang Timog-Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro.

Samantala magkakaroon ng banayad hanggang sa katamtamang naman na pag-alon ang karagatan. | TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog