OFFICE OF THE PROVINCIAL AGRICULTURIST-AKLAN, PATULOY ANG MONITORING SA PRESYO NG BIGAS SA PAMPUBLIKONG TINDAHAN

 


Patuloy ang monitoring ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) Aklan sa presyo ng bigas sa pampublikong tindahan kasunod ng ipinalabas na Executive Order no.39 ni President Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Provincial Agriculturist Engr. Alexys Apolonio, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, kailangan nilang magsumite ng daily report sa presyo ng bigas dahilan na nag-iikot ang mga ito para sa monitoring.

Dagdag pa nito, nakasaad sa memo na ang price ceiling ang sagot sa hindi makontrol na pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Sinabi rin nito na malapit na ang harvest season sa mga susunod na linggo ng Setyembre hanggang sa buwan ng Nobyembre.

Sa ngayon, naghihintay pa aniya ng pagpupulong mula sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa implementasyon ng price ceiling.

Inihayag din nito na sa pamamagitan ng daily report ay masubaybayan nila ang presyo ng bigas at kung saan ito nanggagaling na supplier.

Samantala, ipinaliwanag din nito sa mga retailers na kailangang ipatupad ang nasabing kautusan alinsunod sa mandato ng Pangulo.  |JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog