Nagpatupad ng mandatoryong
half-rice option sa mga food establishment ang lungsod ng Cebu bilang bahagi sa
inisyung ordinansa ng city government.
Nakasaad sa City Ordinance
No. 2409 o ang Rice Conservation Ordinance of Cebu City ang pag-promote ng rice
conservation sa mga paaralan at establisyemento dahil sa nagtataasang presyo ng
mga bilihin.
Ipinahayag ni Councilor Mary
Ann delos Santos na layunin ng nasabing ordinansa na maiwasan ang pagsasayang ng
kanin sa lugar at maturuan ang publiko na magtipid ng bigas.
Iniutos din ng konseho sa
City Health Office na magsagawa ng inspeksyon sa mga food establishment para
masiguro na ito’y sumusunod sa nasabing ordinansa.
Kaugnay nito, may kaakibat
namang penalidad ang sinumang hindi sumunod sa nasabing ordinansa kung saan
papatawan ng P1,500 administrative fine para sa first offense, P3,000 at P4,000
naman para sa pangalawa pangatlong magkasunod na paglabag.
Habang, mahaharap naman sa posibleng
suspensyon ng business permit at multang P5,000 ang establisyementong lumabag
sa ikaapat na beses. |SAM ZAULDA
0 Comments