DALAWANG BANGKAY NASAPAWAN SA BAGO, NEGROS OCCIDENTAL



Dalawang bangkay ang nasapawan sa Purok Talutog , Barangay Dulao sa bayan ng Bago, Negros Occidental, ngayong umaga ng byernes, September 22, 2023.

Ayon sa nagbabantay ng bibe nakita niya umano ang mga bangkay ng mga lalaki bandang 7:45 nitong umaga.

Ayon sa impormasyon naka balot umano ng plastic ang ulo ng mga biktima habang naka gapos naman ang kamay at paa ng mga ito.

Nakitaan naman ng level hose na nakatali sa leeg ng mga biktima.

Parehong naka itim na t-shirt ang biktima, isa sa kanila ay naka checkered na short habang ang isa naman ay nakasout ng pulang short.

Hinihinalang nasa 20-30 taong gulang ang mga biktima.

Ayon kay Police Staff Sgt. Aramando Jr. wala naman umano naitalang record sa Bago Police Station na may nawawalang mga persona sa lugar.

Samantala, sinabi ng Chef Tanod ng lugar na  ito umano ang pinakaunang may nasapawang bangkay sa kanilang lugar. | VILROSE CUAL

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog