GOVERNMENT WORKERS NA NASA ILALIM NG EXECUTIVE BRANCH BINIGYAN NG PAGKAKATAONG MAGDIWANG NG NATIONAL FAMILY WEEK SA SEPTEMBER 25, 2023


 

Ayon sa inilabas na Memorandum Cicular No. 32 ng Office of the President sa ilalim ng Proclamation No. 60, dineklara bilang Family Week ang magiging huling linggo ng Setyembre.

Nakasaad sa nasabing Memo Circular na hanggang alas-3 lang ng hapon ang magiging pasok ng mga nagtatatrabaho sa gobyerno na sa ilalim ng Executive Branch.

Layunin nitong mabigyan ang lahat ng government workers na nasa ilalim ng Executive Branch na makapagdiwang kasama ang kani-kanilang pamilya sa Family Week.

Ang nasambit na Memo Circular ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kahapon September 21. |VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog