Aasahan ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Setyembre na magiging epektibo bukas.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa, magpapatupad sila ng dagdag-presyo na P0.5 kada litro ng kanilang gasolina, P1.20 sa kada litro ng diesel at P1.10 sa kada litro ng kanilang kerosene.
Mababatid na ito na ang ika-walong sunod na linggong pagtaas sa presyo ng gasolina habang nasa ika-siyam na magkakasunod na linggo naman para sa produktong diesel at kerosene.
Samantala, ang ipapatupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. |TERESA IGUID
0 Comments