BACKLOG SA MGA PLAKA NG SASAKYAN, TARGET NA MAAYOS SA 2024

Target ng Land Transportation Office (LTO) na maayos ang backlogs sa motor vehicle at motorcycle plate pagsapit ng 2024.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, naka-order na ang ahensya ng 15 milyong plaka para sa 179,000 at 13.2 milyong backlog para sa motor vehicles at mga motorsiklo.

Ang LTO ay katuwang na ahensya ng Department of Transportation (DOTr).

Napag-alaman na tumataas din ang bilang ng mga deliveries at may sapat na resources ang ahensya para matugunan ang backlog.

| JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog