NORTHWEST PANAY PENINSULA NATURAL PARK, DAPAT INGATAN

 


Nagpasa ng isang resolusyon ang lokal na gobyerno ng Malay para sa pansamantalang pagpapatigil sa nasimulang proyekto ng Petrowind  Energy Inc. sa Brgy. Pawa, Nabas, Aklan na nakakaapekto sa Northwest Panay Peninsula Natural Park.

Ayon sa SK Federation President na Malay na si Christine Hope Pagsuguiron, sa isinagawa umano nilang  survey ay makikitang malaki  ang magiging epekto nito sa Nabaoy river kung ipagpapatuloy umano ng kompanya ang expansion hanggang sa Brgy. Napaan, Malay.

Nabatid na ang epekto ng pagpapatayo ng mga wind turbine para sa renewable energy ay didiretso sa Nabaoy River.

Giit ni Pagsuguiron na karapat-dapat umanong bigyan ng proteksyon ang nasambit na ilog dahil ito lang ang natatanging water source ng Malay at isla ng Boracay.

Samantala, nasa ilalalim umano ngbatas na protrektado ang Northwest Panay Peninsula Natural Park at kabilang ito sa iilang forest reserve ng bansa kaya dapat ingatan. | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog