NAIA OFFICER NA MAY NILUNOK, HULI-CAM

 


Nilunok ng isang NAIA Officer ang sinasabing $300 sa tig-$100 bills matapos makita sa closed-circuit television (CCTV) footage ang di umanong sinasabing pera na nakaw mula sa departing Chinese passenger sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, dapat aniyang panagutin ang nasabing officer.

Aniya pa, pinahihintulutan nito ang undersecretary para sa legal affairs, ang abogado na si Reinier Yebra, upang pormal na maghabla ng reklamo ukol sa mga sangkot sa nasabing nakawan. 

Inutos din ng secretary na magpataw ng pinakamabigat na parusa sakaling mapatunayan na guilty ang nasabing screener upang ipakita sa departamento na may aksyon laban sa NAIA at iba pang mga ahensiya na may ginagawang kabulastugan.

Ang naturang insidente ay naganap noong Setyembre 8 sa NAIA Terminal 1 matapos i-report ng checkpoint supervisor ang nawawalang pera ng isang Chinese departing passenger na si Mr. Cai.

Kasunod ng CCTV footage, nakita umano ang security screener na may dinukot na pera sa bag ni Cai habang ginagawa ang security check.

Ayon sa report ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa screener, habang may hawak ito sa kaliwang kamay ay pasimple nitong itinago sa parte ng kanyang bewang pagkatalikod ang nasabing pera. Huli na nang madiskubre ni Cai na bukas ang kanyang pitaka at nawala na ang kanyang pera.

Sa kabila ng pagsumikap ng screener at tubig na binigay ng kanyang kasamahan, nahirapan umano ito sa paglunok sa naturang pera.

Sa ngayon, suspendido na ang screener habang ang kanyang supervisor ay tinanggalan ng access passes sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa naturang insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog