"Iinibig ko ang Pilipinas", iyan ang sambit ni Miss World
2022 Karolina Biewawska sa isang panayam na siya raw ay nasa
maikling trip lamang ngunit nangako naman ito na babalikan ang bansa.
Binigyang diin din nito ang kagandahan ng isla ng Palawan
at isa raw aniya ito sa may pinakamagandang coral reefs sa buong mundo na dapat
umanong bisitahin.
May mga iilan din umanong natutuhang salitang Filipino si
Karolina katulad ng “Mabuhay”, “Mahal ko kayo”, at maging ang Filipino slang na
karamihang ginagamit sa bagong teknolohiya at internet ang salitang “Charot” ay
di din pinalampas at nagtanong pa nga ito kung ano ang ibig sabihin.
Samantala, ang Miss World 2023 ay nakatalang maganap sa
Disyembre ngayong taon sa India.
0 Comments