NERI MIRANDA, BINATIKOS NG NETIZENS SA IBINAHAGING ‘P1,000 A WEEK’ MEAL PLAN

 

Umani ng samu’t saring mga reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging sample meal plan ng celebrity mom na si Neri Naig.

Makikita sa kanyang post ang isang linggong budget ng pagkain gamit lang ang P1,000.00 kasama na rito ang listahan ng mga bibilhin sa palengke.

Nakalagay pa sa budget meal plan ng celebrity mom ang ilang mga karaniwang pagkain na inihahain sa almusal at pananghalian tulad ng lugaw na may itlog, peanut butter sandwich, at champorado with tuyo para sa breakfast, habang pork sinigang, fried bangus, tortang talong, at chicken tinola naman para sa lunch.

Habang, tanging leftovers naman ang nakalagay sa listahan nito para sa panghapunan.

Dahil dito, inalmahan ito ng mga netizens na tila hindi makatotohanan lalo na’t nagtataasan na ang presyo ng mga bilihin sa bansa.

“Pang-ilang tao tong meal plan mo? Sorry, but this is too unrealistic especially if you are living in the city,” komento ng isang netizen.

“Palengke reveal kung san po pwede yung 1k for a week,” wika ng isa.

Samantala, agad naman itong sinagot ni Neri kung saan lagi niyang paalala sa kanyang mga followers na magtanim sa bakuran o sa paso para makatipid sa ingredients.

Narito ang pahayag ng celebrity mom:

P.S. Kayo talaga, kayo na nga binigyan ng "sample" at idea ng meal plan, yung mga di followers, makapagbash lang. Sa mga followers ko na alam na palagi kong sinasabi na matutong magtanim sa bakuran o sa paso para makatipid sa ingredients. At kung kaya pang mag alaga ng mga manok para palaging may fresh eggs sa bahay. Malaking tipid po yun. Dun nyo kunin ang ingredients. Depende rin po kung gaano kayo karami. Maiiba syempre ang budget nyo. Kung 1-3 katao per house at katamtaman lang ang kain, kaya yan.

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest kung saan tinanghal siyang 6th runner-up.

Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog