NEGATIBONG REPUTASYON NG TAXI DRIVERS SA ILOILO CITY, RESULTA SA SUNOD-SUNOD NA ALEGASYON

 


Nanataling negatibo ang paningin ng karamihan sa mga taxi driver sa lungsod ng Iloilo dahil sa may mga pasaherong nakakaranas ng diskriminasyon at naalinlangang sumakay sa kanila.

Sa pahayag ni Mr. Perfecto Yap, Presidente ng Association of Taxi Operators in Panay, makakaapekto ang negatibong reputasyon ng taxi drivers sa mga turistang magbibisita sa lungsod lalo na kung nakikita ang nasabing mga reklamo sa social media at media outlets, kung saan may mga alegasyon tungkol sa nililigaw ang mga sakay nito, maselang hinawakan, at mga akusasyon na sinasamantala nila ito.

Dagdag pa ni Yap, malaki ang tulong ng dash cam para makita sa mga imbestigasyon kung totoo o frame up lamang ang mga alegasyon laban sa mga taxi drivers. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog