Aabot sa ₱11-bilyon ang ilalagak na puhunan ng Singapore-based multinational technology firm na Dyson para sa expansion ng kanilang operasyon sa Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag ni Presidential Communications Sec. Cheloy Garafil, sinabi nito na nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga executive ng Dyson sa Singapore.
Ayon pa kay Garafil, ang investment plan ay gagamitin sa pagtatayo ng mga bagong pabrika at research and development center sa bansa.
Dahil dito, tinatayang nasa 1,250 mga empleyado ang kanilang tatanggapin sa expansion na target mailunsad sa susunod na dalawang taon.
Sa ngayon, mayroon lamang isang planta ang Dyson sa Pilipinas na
gumagawa ng electrical motors. | JOHN RONALD GUARIN
0 Comments