ITIM NA OSO NAKAPASOK SA DISNEY WORLD, ILANG RIDES BAHAGYANG NATIGIL



Naki-rides ang isang itim na oso sa loob ng Magic Kingdom ng Disney World, Florida sa Amerika.

Dahil sa pagpasok ng nasabing hayop, bahagyang itinigil ang operasyon ng ilang rides para sa kaligtasan ng mga tao sa sikat na theme park.

Kabilang sa temporaryong isinarang rides ay ang "Haunted Mansion" at "Pirates of the Caribbean" matapos makitang may oso sa isang puno na malapit sa mga ito.

Agad naman nahuli ng otoridad ang hayop na ayon sa Florida Fish and Wildlife Conservation Commission ay posibleng naghahanap ng pagkain na maraming fats bilang paghahanda sa winter season sa lugar.

Dinala ang nahuling oso sa Ocala National Forest para pakawalan.

Samantala balik normal naman ang operasyon ng Walt Disney World na isa sa pinakapamalaking tourist attractions sa buong mundo na dinadayo ng milyon-milyong bisita bawat taon. |Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog