Nasa 100 na mga miyembro ng Senior Citizen sa Brgy. Poblacion Kalibo ang inaasahan na makakatanggap ng P4,500 na halaga sa darating na araw ng Sabado sa ABL Sports Complex, sa alas-2 ng hapon.
Ito ang inihayag ni Mr. Darius " Popoy" Melgarejo, Presidente ng asosasyon ng senior citizens, sa programang Foro De Los Pueblos kasunod ng inaasahang payout sa nabanggit na araw.
Ayon kay Melgarejo, itong matatanggap ng mga seniors ay mula sa Unconditional cash transfer (UCT) na una na ring tinanggap ng nasa mahigit 1,000 na miyembro.
Nahuli lamang aniya sa pagtanggap ang mga ito dahil isinailalim pa sa validation ang una nilang isinumite na mga dokumento.
Kaugnay dito nanawagan naman si Melgarejo na maaari nang kunin sa kanilang tanggapan ang mga dokumentong ito na kakailanganin naman sa pag-release ng ayuda.
Samantala, humingi naman ito ng pag-intindi mula sa mga
nagtatanong kaugnay sa dagdag na P500 para sa mga seniors , dahil sa kabila
aniya ng pag apruba dito ay wala pa itong implementasyon at wala pa rin na
budget para dito.|TERESA IGUID
0 Comments