DALAWANG ENVIRONMENTAL ACTIVIST NA UMANO'Y SUMUKO SA GRUPO NG ANTI-COMMUNIST TASK FORCE; ITINANGGING KUSA SILANG SUMUKO SA MGA ITO


 

Sa isinagawang press conference, ibinunyag nina Jonila Castro at Jhed Tamano nang iharap sila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) noong Martes sa layuning alisin ang mga pagdududa sa mga pangyayari na nakapaligid sa kanilang pagsuko sa mga awtoridad.

Matandaang sila ay nawawala noong September 2. 

Ayon sa sanaysay ng dalawa, naglalakad lang umano sila nang biglang may humintong van kung saan sila isinakay.

“Ang tanong kung dinukot ba kami, o boluntaryo kaming sumurrender? Ang totoo po eh dinukot kami ng mga militar na sakay ng van,” saad ni Castro.

Nauna nang nakilala sina Castro at Tamano bilang mga environmental activist. Si Castro ay isang undergraduate psychology student sa Bulacan State University sa Malolos City, Bulacan province. 

Habang, nagtapos naman si Tamano sa paaralang iyon noong nakaraang taon at nakakuha ng degree sa business economics.

Ayon sa isang security official, nasa ligtas at maayos na ngayon sa ilalim ng kustodiya ng gobyerno ang dalawa.|VILROSE CUAL

 



 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog