1-ANYOS NA BATA, BINAWIAN NG BUHAY DAHIL SA PAGLANGHAP NG FENTANYL DRUG SA LOOB NG NEW YORK DAY CARE CENTER



Binawian ng buhay ang isang 1-taong gulang na batang lalaki dahil sa exposure nito sa isang kilong fentanyl na nakalagay sa ibabaw ng play mats na ginagamit bilang pagtulog ng mga bata.

Ayon sa mga kapulisan, tatlo pang mga batang may edad 8 months hanggang 2 taong gulang ang dinala sa ospital at ginamot gamit ang Narcan, at kasalukuyang nagpapagaling.

Makikita sa urine analysis ng isa sa mga biktima na positibo ito sa fentanyl sa loob ng kaniyang katawan.




Kaagad na inaresto ang day care operator na sina Grei Mendez at tenant na si Carlisto Acevedo Brito at nahaharap sa federal charges na “narcotics possession with intent to distribute resulting in death and conspiracy to distribute narcotics resulting in death,” ayon sa mga federal prosecutors.

Sa pahayag naman ni Damian Williams, U.S. Attorney para sa Southern District of New York, nalason ang mga sanggol at mga bata dahil nagsasagawa ng durg operation ang mga suspek sa loob mismo ng day care center. | JOHN RONALD GUARIN

 

(via ABC News)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog