ILOILO-UNGKA FLYOVER, PLANONG BUKSAN UPANG MAIBSAN ANG LUMALALANG TRAPIKO



Sa lumalalang trapiko at gitgitan na mga sasakyan, plano ng mga executive na buksan ang Ungka flyover sa Pavia, Iloilo.

Ayon sa pahayag ni Mayor Luigi Gorriceta, ang pagbubukas umano ng P680 million flyover ay para sa mga light vehicles upang maibsan ang lumalalang trapiko lalo na kapag rush hours.

Aabot naman sa 453.7 metro ang haba ng flyover mula sa distrito ng Jaro sa Iloilo City at Pavia.

Sa pakikipagpulong ni Gorriceta sa Department of Pubic Works and Highways-Western Visayas (DPWH-6), hiling nito na buksan ang naturang flyover sa oras ng peak traffic.

Dagdag pa ni Gorriceta, matatagalan aniya ang pagkukumpuni habang hinihintay ang mga hakbang na gagawin.

Sinabi naman ni DPWH-6 director officer-in-charge (OIC) Regional Director Sanny Boy Orpoel na ang interior lane ng four-lane flyover ay bukas sa mga four-wheeled vehicles kasama ang mga tradisyunal at modernized na mga jeep.

Siniguro din ng ahensya na ligtas itong daanan matapos magsagawa ng testing dito.

Samantala, nakatakdang bubuksan ngayong linggo sa kasagsagan ng rush hours partikular magmula 5 a.m. hanggang 9 a.m. at mula naman 4 p.m hanggang 8. p.m. ang nasabing flyover.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog