LALAKI ARESTADO DAHIL SA PAGPAPATAYA NG ILLEGAL NUMBER GAMES



Arestado ang isang 49-anyos na lalaki matapos itong mahuli sa akto na nagpapataya ng illegal number games o bookies sa may Kalibo public market nitong Lunes.

Ikinasa ang operasyon ng Provincial Special Task Force on Anti-Illegal Gambling kung saan narekober mula sa hindi na pinangalanang suspek ang P20 na marked money, mga papel, cotejo o unauthorized receipt, ballpen, at perang nagkakahalaga ng P1,260 na mula sa mga mananaya.

Dinala sa Kalibo PNP ang naaresto at posibleng mahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Anti-illegal gambling laws.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog