MISS PHILIPPINES AT MISTER PILIPINAS WORLDWIDE, KOKORONAHAN NA SA OKTUBRE

 


Malalaman na sa buwan ng Oktubre ang kokoronahang Miss Philippines at Mister Pilipinas Worldwide 2023 sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ang anunsyo ng The Miss Philippines organization kung saan inilabas na din pati  ang nakalinyang mga aktibidad para sa “The Filipino Festival”.

Nakatakdang magsisimula ang Mister Pilipinas Worldwide pageant mula 5:00 pm hanggang 6:00 pm, habang ang koronasyon ng Miss Philippines ay gaganapin alas-6:30 pm hanggang 8:30 pm.

Matatandaang binago na ang alituntunin sa nasabing pageant kung saan maaari nang lumahok ang mga nanay at babaeng may asawa na.

Gayundin, wala na rin itong inirekomendang minimum height requirement at itinaas na din hanggang 32-anyos ang age limit.

Tinanggal na din ng nasabing organisasyon ang swimsuit competition at sa halip ay nire-require ang mga kandidatang magkaroon ng “Ted Talk-type speeches” at sumailalim sa “Cannes-inspired red-carpet segment” para sa formal wear.

Sa ngayon, nasa 21 na mga kandidata ang maglalaban-laban para korona at pagkakataong maging kinatawan ng Pilipinas para sa tatlong global pageants: Miss Charm, Miss Supranational, and Miss Asia Pacific International. 




 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog