VOG SA TAAL WALA NA PERO NANANATILING NASA ALERT LEVEL 1 PARIN

 


Nawala na nitong Sabado ng umaga ang vog na bumalot sa may Caldera ng bulkan matapos ang halos dalawang araw na zero visibility sa Taal, ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol.

Matandaan na may bumabalot pang vog sa taal noong nakaraang Huwebes at Byernes.

Giit ni Bacolcol na mananatiling banta ang pagkakaroon ng vog hangga't naglalabas ng asupre (sulfur) ang bulkan.

Nitong Seyembre 23, ang Taal ay nagluwa ng 2,730 tonelada ng asupre at may upwelling ng mainit na volcanic fluids mula sa Main Crater Lake na nagdulot ng vog.

Kung kaya't patuloy ang paalala ng Phivolcs sa pagbabawal na pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island (TVI)

Pinagbabawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posibleng banta ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas. | VILROSE CUAL

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog