Bibigyan
ng pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang lahat na naging bahagi sa
pakikilahok ng Kalibo sa kakatapos lamang na 34th Philippine Travel Mart ngayong
taon.
Ito ay
matapos na naiuwi ng Kalibo ang parangal bilang Best Booth mula sa 200 exhibitors
sa 17 rehiyon sa bansa na nakilahok sa naturang aktibidad.
Matandaang
itinampok ng Kalibo ang Ati-atihan, Piña weaving at mga lokal na produkto ng Aklan.
Ayon
kay Sangguniang Bayan (SB) Member Phillip Yerro Kimpo Jr., sa unang pagkakataon
ay nakuha ng Kalibo ang nasabing parangal kung saan pinaghandaan ito ng mga
lokal na opisyal ng gobyerno.
Aniya,
ito rin ang tamang panahon para paglaanan ng pondo ang turismo.
Dagdag
pa nito, malaking karangalan na nag-perform ang Ati-atihan sa Philippine Travel
Mart dahil nagpapakita lamang ito na ang Kalibo ang “Mother of All Philippine
Festival.
Kaugnay
nito, inihayag naman ni Kalibo Mayor Juris Sucro na mas pang palalakihin ang
booth ng Kalibo sa susunod na taon. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments