MEN AND WOMEN’S TEAM NG GILAS, SABAY SA ENSAYO



Sa isang pambihirang pagkakataon ay sabay na magsasanay ang Gilas Pilipinas men’s at women’s teams bilang paghahanda para sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 8.

Ayon sa anunsyo ni Gilas men’s team head coach Tim Cone, sabay sa iisang court sa Philsports Arena sa Pasig City ang parehong Philippine basketball teams at bukas din ang publiko na mapanood ito.

Walang bayad ang ticket sa training ng dalawang koponan simula alas-4 ng hapon na marahil ay unang beses pa lang mangyayari sa kasaysayan.

“Gilas Men's Team will have a joint practice with Gilas Women's Team. We will share the court and have interactions between both teams. The public is free to come and observe. The gates will open at 4 pm. No tickets necessary,” ani Cone.

Si Cone, na assistant ni Chot Reyes sa 2023 FIBA World Cup, ang bagong head coach ng Gilas sakto naman sa kanyang pagbabalik sa Asian Games simula noong 1998, kung kailan huling nagka-medalya ang koponan bitbi ang tanso. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog