Hinihikayat ang mga certified farmer na magparehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RBSA) na programa ng Department of Agriculture (DA).
Ito ang ipinaabot ni Mr. Uriel
Las Piñas ng Municipal Agriculture Office sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM
Kalibo.
Aniya, bukas ito sa lahat ng
farm worker, fisherfolks, livestock farmer at laborer sa bayan ng Kalibo.
Dagdag pa nito, patuloy ngayon
ang kanilang pagtanggap ng forms para isumite sa DA Region 6.
Sinabi rin nito na kailangang
i-certify ng barangay ang mga magsasaka bilang isang legit na farmer sa
kanilang lugar.
Kabilang sa mga nagreregulate
ng RBSA form ay ang Barangay Captain, Municipal Agricultures Office, Municipal
Agricultural and Fisheries Council Chair para maisumite sa Agricultural
Productivity Office.
Paliwanag pa nito, mayroong
clustering sa pamamahagi ng financial assistance na kinabibilangan ng 1st
Priority, 2nd Priority at 3rd Priority.
Sa ngayon, tanging ang mga
rice farmer pa lamang ang nakakatanggap ng tulong pinansyal partikular ang mga
nagpa-enroll tatlong taon na ang nakalipas.
Gayunpaman, nakadepende aniya
sa ipapadalang masterlist ng DA National kung sino ang mga makakatanggap ng financial
assistance. | JURRY LIE VICENTE
(via Romy Cahilig)
0 Comments