DATING MIYEMBRO NG MAP SA MAKATO, DAKIP SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA NUMANCIA



Dakip sa ikinasang drug buy-bust operation ang dating miyembro ng Municipal Auxiliary Police (MAP) ng Makato, pasado alas-7 kagabi sa Brgy. Poblacion Numancia.

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay Police Major Frency Andrade ng PDEU-Aklan, kinilala ang suspek na si Aljon Talandato, 27-anyos, kasalukuyang walang trabaho at residente ng Brgy. Tugas, Makato, Aklan.

Ayon kay Andrade, naging matagumpay ang naturang operasyon matapos na mabilhan ng suspected shabu kapalit ng P 2, 000 na buy-bust money si Talandato at makuha ang isa pang suspected shabu na nakaipit sa cellphone nito sa isinagawa namang body search.

Nabatid din na mahigit tatlong linggo na nila itong isinailalim sa surveillance na maituturing aniyang Stre-Level Individual kung saan karaniwang mga surrenderer at kilalang drug personality ang customer.

Dahil dito, hawak na ngayon ng mga otoridad si Talandato at nakatakdang maharap sa kaukulang penalidad matapos ang paglabag sa Sec. 5 at 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala patuloy naman na nagpaalala si Andrade partikular na sa mga magulang na bantayan ang mga anak upang maiwasan ang posibilidad na mapasama sa maling kaibigan at malihis ang landas tulad ng pagkakaugnay sa mga iligal na gawain. |TERESA IGUID

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog