HIGIT 400 PNP PERSONNEL, SASANAYIN NG COMELEC PARA SA BSKE



Nasa 400 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang sasanayin ng Commission on Elections para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ito ay upang matiyak na may hahalili sa mga Electoral Board Members sakaling hindi sila makapaglingkod sa araw ng halalan.

Aniya, hindi sila kampante sa mga lugar na mino-monitor ng Comelec, tulad ng isang bayan sa Maguindanao South at dalawang bayan sa Maguindanao North.

Matandaan na ginawa na ito ng ahensya noong 2022 sa Cotabato City, kung saan ang mga naglingkod ay ang mga PNP personnel na duly certified ng Comelec. |JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog