Balak ng Malaysian Firm
Valiram Group na magtatag ng Duty-Free Retail Outlets sa mga airports sa bansa
sa susunod na limang taon.
Ito ang napag-usapan sa
isinagawang pakikipagpulong ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng
Valiram Group, isang Malaysian retail specialist habang nasa Singapore ang
Pangulo.
Ayon sa Valiram Group, layon
nitong palakasin ang mga operasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga airport
outlet para sa duty-free retail tourism.
Inihayag din ng opisyal ng
Valiram na nais nitong dalhin sa bansa ang kanilang napagtagumpayan sa
Southeast Asia.
Samantala, ipinagmalaki rin ng
kompanya na mayroon silang 500 stores dahilan na gusto nitong pumasok sa
Pilipinas upang ipagmalaki ang produkto na gawang Pinoy. | JURRY LIE VICENTE

0 Comments