Nangako
ng ₱11 billion na investment sa Pilipinas ang Singapore-based multinational
technology company na Dyson para sa susunod na dalawang taon.
Ayon
sa Presidential Communications Office (PCO), masaya si Pres. Ferdinand Marcos
Jr., na marinig ang interes ng Dyson Limited na mamuhunan sa bansa.
Aniya,
ang naturang investment ay inaasahang makapagbigay ng trabaho sa 1,250
empleyado at mas maraming contract manufacturing sa Pilipinas sa taong 2024.
Kaugnay
nito, inihayag ng Pangulo na makapagbigay ito ng trabaho sa mas maraming software
engineers at iba pang engineering graduates. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments