Ibabandera nina Tokyo Olympians Margielyn Didal at EJ Obiena ang watawat ng Pilipinas para sa opening ceremonies ng 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.
Pinangunahan ang nasabing anunsyo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham "Bambol" Tolentino sa isinigawang send-off ceremony ng mga atleta sa Philippine International Convention Center nitong Setyembre 18, Lunes.
Nasa 395 na mga atleta ang ipapadala ng Pilipinas, kung saan sasabak ito sa 37 sports sa Asian Games, kasama rito ang chef de mission ng fencing na si Rep. Richard Gomez.
Mag-uumpisa ang opening ceremonies ng Asian Games sa Setyembre
23 sa Hangzhou Sports Park Stadium. | JOHN RONALD GUARIN
0 Comments