MAG-ASAWANG MAY PAREHONG BIRTHDAY, NANGANAK NG KAMBAL SA KANILANG KAARAWAN

Four times the fun ang birthday celebration!

 

‘Best birthday gift’ ang natanggap ng mag-asawa sa kanilang parehong araw ng kaarawan dahil nanganak sa mismo nilang birthday ang kambal.

Noong Agosto 18, masayang sinalubong ng mag-asawang Scierra Blare at José Ervin, parehong taga Cleveland, Ohio, ang kanilang fraternal twins (isang lalaki, isang babae) limang minuto bago ang hatinggabi ng sa Cleveland Clinic Hillcrest Hospital.

Nag-post pa ang Cleveland Clinic ng tribute para sa mag-asawa: “Congratulations to Scierra and José on their sweet, healthy babies!”

Ayon sa ulat, nang manganganak na sana si Blaire sa Agosto 17, nagdesisyon ang mag-asawa na hintayin hanggang maghatinggabi para maibahagi nila sa kanilang mga anak ang nasabing espesyal na araw bawat taon.

Sa pagpatak ng Agosto 18, ipinanganak na ang kambal na sina José Ervin III at Ar’ria Lannette.

Alam mo ba, Kabandera, na hindi karaniwan na manganak ang isang magulang sa mismo nilang kaarawan dahil 1 beses lamang nangyayari ito sa kada 133,000 na mga panganganak.

 

| JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog