BAHAY NG PAMILYA NI CARDINAL SIN SA NEW WASHINGTON, GAGAWING MUSEO

Nakatakdang gawing isang museo ang bahay ng pamilya ni dating Cardinal Jaime Sin sa bayan ng New Washington sa Aklan.

Inaprubahan ang naturang proyekto sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) ng Diocese of Kalibo at ng Serviam Foundation---ang magiging custodian ng nasabing establisyemento.

Pinermahan ang naturang MOA habang isinasagawa ang seremonya noong Agosto 31 sa Manila Cathedral matapos ang naganap na misa na pinangunahan ni Bishop Ruperto Santos Antipolo para sa 95th Birth Anniversary ni dating Cardinal Sin.

Dumalo sa pagpirma ng MOA sina Bishop Jose Corazon Tala-oc ng Diocese of Kalibo, Fr. Justy More, Historical, Research, Cultural Council ng nasabing diocese, at sina Msgr. Rolando dela Cruz at Fr. Rufino Sescon Jr. ng Serviam Foundation.

Ayon kay Msgr. Dela Cruz, hinihikayat niya ang Diocese of Kalibo na gamitin ang nasabing bahay para sa ‘cultural heritage purposes.’

Sa pahayag naman ni Fr. More, layunin ng naturang proyekto na maipreserba ang legasiya ni Cardinal Sin at maibahagi sa mga susunod pang henerasyon ang kaniyang buhay at mga turo.

Layon din ng museo na maging tahanan ng mga koleksyon ng “ecclesiastical artifacts and archival materials.”

“We aim to provide visitors with a unique opportunity to learn about the significant historical events and tangible heritage that shaped the Diocese of Kalibo’s remarkable journey of faith,” dagdag pa ni Fr. More.

Sa kabila nito, nag-umpisa na rin ang paghahanda ng Diocese of Kalibo para sa kanilang ika-50 na anibersaryo sa July 15, 2026. | JOHN RONALD GUARIN




(via CBCP News)

📷 Fr. Justy More, and Diocese of Kalibo

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog