LGU KALIBO, MAGSASAGAWA NG INTER-SCHOOL DANCE CONTEST



Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang mga eskwelahan na mayroong mga Dance Crew na mag-palista sa isasagawang Inter-School Dance Contest sa Oktubre 8, 2023 sa Kalibo Pastrana Park.

Nasa 12 na mga Dance Crew ang hinahanap ng Kalibo Local Youth Development Office upang maging kwalipikado sa nasabing kompetisyon kaugnay sa nakatakdang Opening Salvo ng Kalibo Sr. Santo Nino Ati-Atihan Festival 2024.

Kabilang sa mga mechanics ng kompetisyon ay ang Performance of Hiphop Dance, Crew of 6-10 Dancers, Music of 4-7 Minutes at No Dangerous Stunts and Unsecured Props.

Ang premyo para sa kampeon ay 8,000, ikalawang pwesto - ₱5,000, ikatlong pwesto- 3,000 at 1,000 para sa consolation prize. | JURRY LIE VICENTE

(via Doniel B Aguirre)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog