Sang-ayon ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of
Commerce and Industry, Inc sa rekomendasyon ni Finance Secretary Benjamin
Diokno’s na bawasan ang taripa sa mga imported na bigas.
Ito ay upang mapatatag ang presyo at suplay ng bigas sa pamilihan.
Ayon kay Dr. Cecilio Pedro, president ng
Filipino-Chineseman businessmen, mataas ang ipinapataw na buwis sa mga imported
na bigas kung kaya't malaki rin ang idinadagdag nito sa presyo sa merkado.
Napag-alaman na umabot na hanggang 30% ang buwis sa mga imported
na bigas dahilan na nagmamahal din ang bentahan nito sa pamilihan.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Sec. Diokno na dapat ibaba ng
10% ang buwis sa imported rice para maibaba din ang presyo sa mga mamimili.
|JURRY LIE VICENTE

0 Comments