Inanunsyo ng Municipal Agricultural Services Division (ASD) Kalibo na magpapatuloy ang pagbakuna laban sa Rabies ang Vaccination Team sa mga natitirang barangay sa bayan ng Kalibo.
Sa
isang pahayag, sinabi ni Dr. Janna Rose Menez Nepomuceno, Veterinarian I, na nahinto
ang pagbabakuna dahil sa pag-ulan nitong nakaraang linggo dahilan na gagamitin
nito ang mga nakatakdang Buffer Dates para sa Anti Rabies Vaccination.
Dahil
dito, pinaghahanda ang mga residente ng Barangay Tinigao sa Setyembre 26 araw
ng Martes habang ang Barangay Andagao ay pupuntahan sa Setyembre 28, 2023.
Kaugnay
nito, hinihiling sa mga may-ari ng aso na maghanda sa pamamagitan ng paglalagay
ng tali, nakaligo at mas mabuting naka-purga ang kanilang mga alaga, at
tiyaking may tao ang bahay na mag-assist sa mga magbabakuna. | JURRY LIE
VICENTE
(via Doniel
B Aguirre)

0 Comments