Nakatakdang bumuo ng El Niño
Task Force ang lokal na pamahalaan ng Kalibo para maprotektahan at matulungan
ang mga magsasaka na malabanan ang epekto ng El Niño phenomenon.
Ito ay bilang pagsunod sa
direktiba ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) na
buhayin ang El Niño Inter Agency Task Force.
Kabilang sa mga tungkulin ng
taskforce ay ang pagsagawa ng plano, estratehiya at polisiya na makakatulong para
mabawasan ang epekto ng El Niño gayundin sa mga apektadong residente.
Pagkaroon ng koordinasyon sa
ilang ahensya ng gobyerno at organisasyon para sa implementasyon ng mga hakbang
laban sa El Niño.
Ito ay upang matulungan ang
ilang pamilya at indibidwal na apektado ng tag-init.
Maliban dito, kasama rin ang
pagtitiyak sa supply ng tubig sa mga pananim lalo na sa palayan at supply ng
pagkain.
Magsasagawa rin ang mga ito ng
monitoring activity at pag-aaral upang ma-mitigate ang El Niño.
Makikipag-ugnayan din ang mga
task force sa mga establisyemento na sumunod sa mga polisiya at ordinansa.
Samantala, kinakailangan
namang magreport ang mga ito sa LGU kaugnay sa mga ginagawang hakbang,
estratehiya at plano. |JURRY LIE VICENTE
Via Kabanderang Michael
Selorio

0 Comments