Niyanig ng 6.3 magnitude ang Cagayan Valley nitong Martes ng gabi, Setyembre 12.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nag-umpisa ang lindol mga bandang 7:03 ng gabi na may lalim na 41 kilometers habang ang epicenter nito ay namataan sa 22 kilometers northeast ng Dalupiri Island.
Inihayag din ng ahensya na mahigit 80 aftershocks ang kanilang naitala, as of 6 am.
Mula sa nasabing bilang 78 rito ang recorded habang 13 naman ang plotted earthquakes, kung saan ang lakas lamang nito ay nasa 1.8 hanggang 3.7 magnitude.
Nakarekord naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng limang sugatan dahil sa lindol na nagresulta sa pagbagsak ng isang pader sa Calayan.
Sa kabila nito, kinumpirma rin ng Senior Science Research Specialist ng Phivolcs na si Johnlery Deximo na walang banta ng tsunami matapos ang malakas na paglindol kahit posible itong mag-generate ng kakaibang sea level disturbance lalo na at malapit sa karagatan ang epicenter ng lindol.| JOHN RONALD GUARIN
(via ABS-CBN News)

0 Comments