Hinihintay
pa ng Land Bank of the Philippines (LandBank) ang desisyon ng Commission on
Elections (COMELEC) na payagan silang ituloy ang pamamahagi ng fuel subsidies
sa mga operators ng pampasaherong sasakyan.
Ayon
sa Landbank, gumagawa na ng hakbang ang Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) para payagan sila sa pamamahagi ng fuel subsidy.
Napag-alaman
na nagpatupad ang COMELEC ng election spending ban para sa nalalapit na 2023
Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Matandaan
na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-release ng ₱3
bilyon na pondo para sa nasabing programa dahil sa pagtaas ng presyo ng langis
sa bansa. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments