NATIONAL ID DATABASE, POSIBLENG MAKATULONG PARA MAPABUTI ANG SIM REGISTRATION

 


Posibleng ang database ng National ID ang susi para masolusyunan ang mga aberya sa SIM Registration.

Ito ang inihayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy sa isinagawang hearing ng 2024 budget ng ahensya.

Paliwanag ng Kalihim, sa pamamagitan ng National ID, maaaring mapabuti pa ng ilang ahensya ang SIM Registration.

Dagdag pa ni Uy, ang registration ng biometrics na nasa 80 hanggang 90 milyon na mga Pilipino sa National ID system ay tiyak na makatulong upang mas mapabuti ang validation process ng SIM Registration system.

Samantala, nirekomenda rin ng DICT sa mga telecommunications company na magbigay ng listahan ng mga nakakaduda na subscribers lalo na ang nag-avail ng prepaid subscriptions na gumamit ng mga barangay ID at Tax Identification Numbers sa pag-parehistro. |JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog