Isinailalim na sa state of
calamity ang apat na bayan at lalawigan sa Western Visayas dahil sa pananalasa
ng Bagyong Goring, Hanna na pinalakas ng Habagat.
Ayon sa National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga lugar na nasa state
of calamity ay ang bayan ng Pototan at Leganes sa Iloilo, gayundin ang bayan ng
Sibalom sa Antique at San Enrique sa Negros Occidental.
Napag-alaman na ang mga
nabanggit na lugar ay nakaranas ng matinding pagbaha at maraming indibidwal ang
naapektuhan.
Kaugnay nito, maaaring magamit
ng mga Local Government Unit (LGU) at Provincial Government ang kanilang
calamity funds upang matulungan ang mga apektadong indibidwal. | JURRY LIE
VICENTE
0 Comments